"Enough is Enough"
Kelan mo masasabi ang mga salitang ito, kapag nasasaktan ka na? Kapag sa tuwing gusto mo siya kausapin, parang napipilitan lang siya pero kakausapin ka niya para lang masabi na hinde ka niya iniisnob? Kapag parang wala na siyang pakealam sayo at parang wala siyang gana na kausapin ka? Kapag nararamdaman mo na habang tumatagal lumalamig na ang pakikitungo niya sayo? Kapag gusto ka lang niya makausap at that moment saka lang siya magpaparamdam sayo? Kapag napapansin mo na wala na siyang panahon para sayo na kaya ka niya tiisin?
Daming tanong sa isang phrase na madami din pwedeng isagot. Mahirap isipin na hinde mo alam kung anong gagawin mo kapag dumating ka na sa situation na toh. Tipong hinde mo alam kung saan mo ilulugar ang sarili mo sa kanya dahil kapag may sinabi o tinanong ka sa kanya na hinde niya nagustuhan, its either hinde na lang siya sasagot, sasabihan ka niya na nasasaktan na siya at huwag mo na siya kakausapin kahit kelan o ang pinakanakakatakot sa lahat ng pwede niyang sabihin sayo, "Ayaw ko na. Maghiwalay na tayo!". OO, aaminin ko, napagdaanan ko na to, at OO, aaminin ko din na martyr ako pagdating sa pag-ibig. Ako yung tipo na tao na gagawin lahat para lang hinde kami maghiwalay. Iintindihin ang mga nangyayari samin kahit na minsan hinde mo naman talaga maintindihan kung paano at bakit niya nagagawa sayo yung mga bagay na nakakapagpasama ng loob mo.
Minsan dinedeadma ko na lang lahat para hinde na ako mag-isip. Pero madalas, umiiyak ako dahil hinde ko na minsan makayanan ang nangyayari sakin, tao lang ako, kahit na parang wala lang sakin lahat, pero sa loob ko, para akong namamatay unti-unti, minsan tinatanong ko ang sarili ko na bakit kailangang mangyari sakin to, dahil ba sa wala talaga akong kwentang tao na kahit na masaktan o mawala ako sa mundo walang makakapansin.
And when "Enough is Enough"?